Wednesday, June 17, 2015

DIVISORIA Tips:

DIVISORIA Tips: 1. Minsan, yung unang presyong ibibigay nila ay times 2 ng totoong presyo. Me: "Magkano po yung bag niyo?" Vendor: "350. May bawas pa yan." 2. Gamitin ang Sad Face-Pause Pouting Technique. Me: "350? (Pout mouth with sadness in my face.)" Vendor: "300 na lang." Me: (Sad, still pouting, long pause.) 3. Ask the right question. Vendor: 300 na lang. Me: May bawas pa ba? Vendor: Sige, 280 na lang. Me: Magkano last price? Vendor: 250 na lang, tapat na. 4. The Walk-out scene Technique. Vendor: Ano, kukunin mo ba? Me: (Sad face) Kulang po kasi sa budget eh. (Walk-out nang dahandahan.) 5. The Budget Deal Technique. Vendor (sisigaw siya): Magkano ba budget mo? Me: 180 lang po eh. (pout, blank face, sadness) Vendor: Sige, 220 na lang. Wala na kaming itutubo eh. Me: 200 na lang po. Kukunin ko na. Vendor (mag-iisip siya, long pause) Sige na nga.

No comments:

Post a Comment